Late everyday? Okay!

Naaaburido ako sa mundo. -Hindi sa mundo pero sa buhay ko. Ang dami dami kong sinasayang. Nasa matinong school na’ko, matino naman teachers ko, maayos naman mga kaibigan ko nagagawa ko pa din magloko. May oras naman talaga ako, kaso nauubos sa mga walang ka-kwenta-kwentang bagay.

Yung conduct grade ko, onti nalang talaga mauubos na kasi lagi akong late. Halos kabarkada ko na nga yung nagre-record ng late samin. Nung first year ako, first year palang, naka-30 times akong nahuli sa klase sa loob ng sampung buwan. 15 naman ang absent.

Ngayon namang second year, nung una, tuwang tuwa pa yung adviser ko ngayon, pati yung last year. Proud na proud daw na nagbago na ako, ‘yun pala hanggang August lang. Bumalik ako sa dati kong anyo -yung tipikal na studyanteng laging late, huli sa klase, wala nang naaabutang lesson sa first period, at madalas, hindi na nakaka-kuha pa ng make-up quizzes. Ako yung highschool palang, college-type na ang schedule. Ang normal na gising ng highschool student ay mga 5 ‘o clock, ang gising ko? 6 o 6:30 o hindi ko na alam. Lagi na’kong naghahabol sa oras. 

Naiinis ako sa sarili ko. Maayos naman na kasi sana ang grades ko, kung hindi lang dahil sa conduct grade ko. Ang dami kong nasasayang na opportunity, na chances na makakabuti sana sa’kin. Kaso ganito yung nangyari e, nauuwi na sa wala. Nababahala na ako lagi sa grades ko, nagccram pa’ko maghabol ng deadlines. Tapos andyan pa yung dadagdag pa yung mga problema mo. Umaapaw, at minsan, kung kailan mas kailangan mo ng tulong, saka walang nandyan para sa’yo.

Ang akala ng lahat, wala kang interes mag-aral dahil late kang dumadating, pero ang totoo, mas masipag kung tutuusin ang mga laging late na pumapasok sa paaralan. Ang mga maagang dumadating, masasabi nating masipag dahil maaga sila. Pero ang totoo, hindi naman naka-base sa kung maaga o late kang dumadating ang grado mo. Masipag lang talaga silang gumising.

Kung tayo namang mga laging late sa klase ang titignan, ka-lebel natin sa kasipagan ang mga academic awardees at mga class valedictorians. Masasabi mang makapal ang mukha ko para maihambing kami sa kanila, -yan ang totoo. Dahil hindi lahat ng late ay walang interes sa pag-aaral. Ang iba, pilit na bumabangon, at naghahabol sa oras, makapasok lang at matuto. Maka-submit lang ng project, okay lang na ma-late. 

Natutuwa pa nga ako sa mga katulad ko -yung mga late pumapasok, pero hindi dahil tinatamad ang dahilan. Mas nakaka-inspire sila kaysa sa iba. Kasi ang totoong nag-aaral, ma-late man, papasok at papasok pa din. Kahit na sabihin na nila na responsibilidad mong umabot sa oras, masyado na ‘tong komplikado at hindi lahat ay nagagawang sundin ito. Sa mga katulad kong araw-araw na ginawa ng Diyos ay late, na hindi tinatamad at natripan lang magpa-late, sa inyo ako saludo. ‘Wag kang manghihina ng loob dahil hinihila ng conduct grade mo ang total average mo sa card. Pero ‘wag mo din hahayaang maging late ka nalang lagi. Hindi ko sinasabing isang mabuting bagay ang pagiging late. Hindi ko rin kinkonsinte ang sarili ko dito. Try your best. Makipag-habulan ka sa oras kung kinakailangan, dahil ‘yan ang estudyante, pumapasok kahit late, dahil may interes din kahit papaano sa pag-aaral.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s